top of page
Search
Writer's pictureTeacher Mellanie

Pagtukoy ng Mahahalagang Detalye sa Paksang Narinig/Pagbibigay ng Paksa I Lesson Plan in Filipino 3

Marami kang napakikinggang impormasyon sa araw-araw kaya mahalaga na marunong kang tumukoy ng paksa ng mga impormasyong ito. Upang sa ganoon ay malaman mo kung aling impormasyon ang tama sa mali. Sa panahon pa naman ngayon ay lantad kayo sa social media na maraming impormasyon maaaring gumulo sa iyong isipan. Kaya sa araling ito, ikaw ay inaasahan na matutukoy mo ang mahahalagang detalye kaugnay ng paksang narinig at maibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan.

Panimula:

Gawain 1: Tukuyin kung Tama o Mali

Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung ito ay tama

at malungkot na mukha kung mali.

_________1. Ang paksa ay ang pangunahing tinatalakay sa kuwento o sanaysay.

_________2. Mahalagang malaman ang tao o bagay at pangyayaring pinag-uusapan sa kuwento o sanaysay.

_________3. Malalaman ang paksa ng kuwento o sanaysay sa unang bahagi lamang.

_________4. Karaniwang sumasagot sa tanong na “Tungkol saan ang kuwento?”

_________5. Mabilis na malalaman ang paksa ng kuwento kung babasahin lamang ang wakas nito.

Pagpapaunlad (Paglalahad ng Aralin)

Gawain 2: Pagbasa at Pag-unawa sa Sanaysay

Panuto: Ipabasa sa kasama sa bahay ang sanaysay. Sagutin ang mga tanong pagkatapos mapakinggan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Pandemya

Ni: Dr. Maria Leilane E. Bernabe


Enero 2020 nang dumanas ng pandemya na COVID 19 ang ating bansa. Maraming pamilya ang dumanas ng hirap sanhi ng pandemya. Naapektuhan ang mga mag-aaral, hindi na sila nakapupunta sa paaralan para sa face-to-face classess dahil na rin sa ipinagbawal ng pamahalan upang proteksiyonan ang mga kabataan sa lumalaganap na virus. Ang pandemya ay marami ng buhay ang kinuha lalo na ang mga doktor at nars na nasa ospital. May dumating nang bakuna para sa COVID 19 ngunit ito ay hindi sapat upang lahat ng tao sa Pilipinas ay mabakunahan. Kinakailangan pa rin nating mag-ingat upang hindi tayo madapuan ng virus. Kailangan nating tanggapin na matagal pa bago maibabalik sa normal ang dati nating buhay gawa ng pandemyang ito.

1. Tungkol saan ang sanaysay?

A. Pandemya dulot ng Covid 19

B. Maraming pamilya ang naghirap

C. Mag-ingat dahil sa virus

D. Ang bakuna

2. Ano ang paksa ng talatang binasa?

A. Ang pandemya ay maraming buhay ang kinuha

B. Matagal pa bago maibalik sa normal ang dati nating

buhay

C. Kailangang mag-ingat upang hindi mahawahan ng virus

D. Naapektuhan ang mga mag-aaral

3. Anong sakit ang dulot ng pandemya?

A. Virus C. Lagnat at ubo

B. Covid 19 D. Dengue

4. Saang bahagi ng sanaysay mababasa ang paksa ng talata?

A. Unang bahagi C. Huling bahagi

B. Gitnang bahagi D. Hindi nabanggit

5. Ano ang dapat mong gawin upang makatulong sa pagpigil

nang pagkalat ng Covid 19?

A. Makinig ng balita upang malaman ang pinakahuling

pangyayari tungkol sa pandemya.

B. Lumabas ng bahay upang makasagap ng balita

C. Sundin ang pinag-uutos na health protocol at pagsusuot

ng face mask

D. Palaging maligo at maghugas ng kamay.


Paglalahad ng Aralin

Isa sa sukatan ng isang mabisang pakikinig ang pagtukoy sa paksa o pangunahing-diwa ng kuwento o seleksiyong napakinggan.

Ang bawat akda, lalo na ang maikling kuwento ay may nakapaloob na pangunahing diwa o paksa. Sa pagkilala sa paksa, mahalagang malaman ang tao o bagay at pangyayaring pinag-uusapan sa kuwento.

Ang paksa ng isang kuwento ay tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan o nilalaman nito. Dito umiikot ang kuwento. Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng pansin.

Mahalaga ring lubusang maunawaan ang bawat talatang binabasa upang masuri ang mahalagang puntong nais palutangin dito.

Iba pang halimbawa:

Marami tayong kinikilalang bayaning Pilipino. Sila ay mga taong nagbuwis ng buhay para makalaya ang bansa sa kamay ng mga dayuhang nanakop sa ating bansa. Ginamit nila ang kanilang lakas, talino, at kayamanan para sa kapakanan ng kapwa Pilipino at ng bansang Pilipinas. Ilan sa itinuturing na bayani ng ating lahi ay sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, Diego at Gabriela Silang, at iba pa.


1. Tungkol saan ang seleksiyon?

Sagot: Tungkol sa bayaning Pilipino

2. Ano-ano ang sinasabi tungkol sa bayaning Pilipino?

a. Sila ay mga taong nagbuwis ng buhay para makalaya ang bansa sa kamay ng mga dayuhang nanakop sa ating bansa.

b. Ginamit nila ang kanilang lakas, talino, at kayamanan para sa kapakanan ng kapwa Pilipino at ng bansang Pilipinas.

c. Ilan sa itinuturing na bayani ng ating lahi ay sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, Diego at Gabriela Silang, at iba pa.

3. Anong pangungusap ang nagsasabi ng buong diwa ng lahat ng sinabi tungkol sa bayaning Pilipino?

Sagot: Marami tayong kinikilalang bayaning Pilipino.


Samakatuwid, ang paksa ng seleksiyon ay bayaning Pilipino. Sapagkat ito ang nagsasaad ng pangunahing diwa o paksa ng binasa.


Pakikipagpalihan

Gawain 3: Pagbibigay ng Paksa

Panuto:Basahin nang may pang-unawa ang mga seleksyon/talata at tukuyin ang paksa.

1. Ang kapistahan sa Pilipinas sa bawat lugar ang pinakaaabangan ng mga tao. Iba’t ibang tradisyon ang iyong makikita. Hindi mawawala ang paghahanda ng masasarap na pagkain, mga palaro tulad ng palo-sebo at palabas upang maging masaya ang kapistahan. Ang iba ay dumarayo pa upang makikain at makipiyesta.

a. Kapistahan

b. Handaan tuwing Pista

c. Pinakaabangan ng mga Pilipino

d. Iba’t ibang tradisyon tuwing Pista

2. Sila ang gumagabay sa mga bata. Marami silang sakripisyong ginagawa upang matuto at makapagtapos ang mga bata. Gumagawa sila ng paraan na matuto sa aralin at matutunan din ang magandang pag-uugali mula sa paaralan. Sila rin ang gumagabay at umaalalay sa mga bata. Sila ang mga guro na pangalawang ina ng mga mag-aaral.

a. Tungkulin ng guro sa mga mag-aaral

b. Pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral

c. Paggabay ng mga guro sa mga mag-aaral

d. Pangalawang magulang ang guro ng mga mag-aaral

3. Ang bitamina ay mahalaga sa ating katawan. Ito ay nagbibigay lakas at sustansya. Ang mga pagkaing may taglay na bitaminang ito ay ang pagkain ng gulay at prutas. Kaya kung gusto mong malayo sa sakit kumain ka ng gulay at prutas upang ang iyong katawan ay lumakas.

a. Bitamina

b. Kumain ng gulay at prutas

c. Pagkaing taglay ng bitamina

d. Mahalaga ang bitamina sa ating katawan

4. Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang karamdaman ay dapat iwasan na malantad (o mailantad sa iba) sa virus na ito. Una, magsanay ng simpleng kalinisan. Regular na maghugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo - lalo na pagkatapos ng pagpunta sa banyo, bago kumain, at pagkatapos ma-ubo, pagbahing, o pagsinga. Alamin kung paano maghugas ang iyong mga kamay upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus at iba pang mga karamdaman.

a. Maghugas ng iyong mga kamay

b. Paraan para maiwasan ang virus

c. Iwasan malantad sa iba ang virus na ito

d. Pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang karamdaman

5. Pinahintulutan ng U.S. Food and Drug Administration ang ilang mga bakuna sa COVID-19 para sa emerhensiyang paggamit. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga bakuna sa COVID-19 ay epektibo at maiiwasan mo ang pagkakaroon ng COVID-19. Ang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine ay makatutulong din sa iyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng malubhang sakit kahit na magkaroon ka man ng COVID-19. Ang pagbabakuna ng COVID-19 ay isang mahalagang paraan upang makatulong tayo na makabalik sa normal.

a. Bakuna sa COVID-19

b. Tumulong pigilian ang COVID-19

c. Pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine

d. Paraan para maiwasan ang COVID-19

Paglalapat:

Gawain 4: Paglalahat

Panuto: Buoin ang pangungusap.

Ang ____________ang nagsasabi kung tungkol saan ang isang kuwento o sanaysay. Maaari itong matagpuan sa unahan, gitna, o hulihan ng isang kuwento o sanaysay.

38 views0 comments

Recent Posts

See All

DepEd Common Sense Naman!

Pinapag-report ang mga guro sa paaralan para ano? Ano ba ang ginagawa ng mga guro sa paaralan? Marites lang??? Matulog sa mga upuan at sa...

I am tired.

In all my life, I was alone. I did not feel the true love. A true love from my parents. I did not feel they care about me. I am about to...

Comentarios


Post: Blog2_Post
bottom of page