top of page
Search
Writer's pictureTeacher Mellanie

DepEd Common Sense Naman!

Pinapag-report ang mga guro sa paaralan para ano?

Ano ba ang ginagawa ng mga guro sa paaralan?

Marites lang??? Matulog sa mga upuan at sa mesa??? Kumain ng kumain na mabibili sa paligid kasi walang magawa. Hay!buhay guro.

Bakit kaya hindi na lang gawin ninyo eh magreport ang guro kung talagang kailangan at may gagawin talaga? Tulad ng magbibigay ng module, may kakausapin magulang, kailangan puntahan ang bata sa bahay. Kung gusto ninyo malinis ang room araw-araw, mag-assign ng guro para maglinis. Ang mga meetings naman nagagawa noong panahon ng pandemic through online eh, bakit kailangan magface-to-face meeting? Aminin natin malaki ang natipid ng paaralan nung panahon ng pandemic kasi walang kuryente at tubig na nagagamit. Sa papel ganun din kasi paperless. Malaki pa ang naitulong sa guro hindi lamang emotional maging sa relationship with his/her children.


Tumataas ang gasolina syempre may dagdag sa pasahe, ang kuryente tataas din kasi wala naman talaga ginagawa sa school ang guro, natural gagamit yan ng electric fan o aircon kung meron man. Gagamit din syempre ng tubig.

Paano na ang mga gurong nagtuturo ng online? Namamasahe, magloload din para sa data, magtuturo online na nakikipagpaligsahan sa ingay sa kalye at sa kuwentuhan ng mga gurong wala naman klase.

Eh bakit kaya di naiisip ng ahensya, saan ba magiging productive ang guro? Saan ba mas maraming magagawa ang guro? Paano mapapaunlad ng guro ang ganitong pagkakataon na walang bata na babantayan? Sa halip na makakagawa ang guro ng research niya o makabuo ng mga babasahin para sa mga batang mahina sa pagbasa, sa halip na makapag-isip ang guro para sa mga interventions at strategies para mas matulangan ang bata umunlad sa pag-aaral. Paano gagawin kung nasa school? Hindi ka maka-concentrate. Paano makakapag-aral online ang guro kung nasa school na wala naman internet connections? Noong panahon ng pandemic maraming guro ang nagpakabit ng internet, ngayon hindi na magamit kasi nasa school. Doble ang gastos ng guro, sa pamasahe, sa pagkain, sa internet at syempre kailangan din mag-vitamins. Tumaas ang gastos ng guro kaya ang sweldo ay hindi na sapat para punuan ang pangangailangan ng isang guro. Nawawala na ang quality time para sa pamilya.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

I am tired.

In all my life, I was alone. I did not feel the true love. A true love from my parents. I did not feel they care about me. I am about to...

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page